Home » News And Events, Showbiz And Icons

Richard Gomez disappointed by GMA-7′s Decision Not To Give Him Back Family Feud after SC Ruling

Submitted by on November 25, 2009 – 7:00 amNo Comment
Share

gma-7-kapusoKasabay ng unang taping ni Dingdong Dantes bilang bagong host ng daily game show na Family Feud kahapon, November 24, ay ang pagbaba naman ng desisyon ng Supreme Court na tanggalin na ang ban sa mga celebrity o artista na lumabas sa TV.

Si Dingdong ang pansamantalang papalit kay Richard Gomez sa Family Feud. Nag-leave of absence si Goma mula sa game show ng GMA-7 dahil tatakbo siya bilang congressman sa Ormoc City. May ruling kasi noon na nagbabawal sa mga celebrity na lumabas sa TV  pagkatapos nilang mag-file ng Certificate of Candidacy (CoC) sa Comelec.

richard and dingdongPero binawi ng Supreme Court ang ruling na ito at pinayagan na nila ang mga celebrity na ipagpatuloy ang trabaho nila sa TV hanggang sa Marso sa susunod na taon.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Goma na si Wyngard Tracy kagabi ay sinabi nitong napatingin na lang sa itaas ang aktor nang malaman ang desisyon ng Supreme Court.

Sinabi pa ng batikang talent manager na lahat daw ng nangyayari ay may dahilan. Siguro rin daw ay may naghihintay na mas malaki at mas magandang proyekto para kay Goma.

GOMA IS DISAPPOINTED. Pero tila hindi naging masaya si Goma sa desisyon ng GMA-7 na ibigay pa rin kay Dingdong ang Family Feud kahit binawi na ang pagbabawal sa mga celebrity o o artista na lumabas sa TV habang panahon ng kampanya.

Sa Facebook account ni Goma ay isiniwalat niya ang kanyang tunay na nararamdaman tungkol dito. Isinulat niya ang mga sumusunod na entry kaninang hapon lang, November 25:

“now that the supreme court lifted the ban on actors appearing on tv, gma network does not want to give me back Family Feud. They are insisting that Dingdong has already had a presscon and has taped for a week of the show. i truly feel this is unfair.”

“i am sad, nothing personal against dingdong because i’ve always liked the guy. if the network acted too soon, what’s wrong if they take back their decision? it does not make them less of a network to contend with if they admit they acted prematurely, right?”

Dahil dito, minabuti ng PEP na kausapin muli ang manager ni Goma upang tanungin tungkol sa saloobin ng aktor sa kanyang Facebook account.

Ayon kay Wyngard, “Hindi naman malaking isyu yun. Normal lang naman yung nararamdaman niya dahil na-in love siya sa show. Mahal niya yung show. Well, I’m sure madi-disappoint siya kung hindi mababalik sa kanya.”

Habang kausap ng PEP si Wyngard sa telepono, sinabi nitong kasalukuyang nagmi-meeting ang GMA management kung ano ang magiging desisyon sa bagay na ito, kung kaya’t hindi rin niya alam ang maisasagot sa amin. Pinayuhan din niya kami na tawagan ang GMA-7 kung ano ang desisyon nila after the meeting.

Pagkatapos naming makausap si Wyngard, sinubukan ng PEP na kausapin ang isa sa mga taga-Corporate Communications ng GMA-7. Sinabi nitong magpapadala sila agad ng mensahe sa PEP kung anuman ang magiging balita o desisyon ng network.

ACCEPTING THE TASK. Kagabi naman sa press conference ni Dingdong sa Family Feud, naitanong ng PEP sa kanya tungkol sa bagong desisyon ng Supreme Court. (CLICK HERE to read related story.)

Aniya, “Well, ganun ang batas natin, e. Nagkakaroon ng changes na hindi natin ine-expect, but it always goes through a process. Nagkataon lang na ako ang nalagay rito. Nagkataon din na ngayong araw lumabas yung batas na yun at first taping pa.

“Pero siyempre, ako, e, tumanggap lamang ng isang task. And I believe that I’m a replacement since ang pagkakaintindi nga ng lahat dati, dahil hindi nga siya puwede because he’s [Goma] running. Ngayong nagbago pala, tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari.”

Dahil sa pagtanggap niya sa Family Feud, inalis si Dingdong bilang isa sa mga host ng StarStruck V. Pinalitan siya ni Dennis Trillo.

Sa November 30 ipalalabas ang unang episode ni Dingdong bilang host ng Family Feud.

-pep

Leave a comment!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.