Home » Showbiz And Icons

Dennis Trillo may inamin tungkol kay Heart Evangelista

Submitted by on December 24, 2009 – 10:51 pmNo Comment
Share

For Dennis Trillo, the year 2009 has been a good year for his career. And as he caps the end of the year with no less than a feature movie, ‘Mano Po 6’, he admits na naging kakaibang inspirasyon din ang leading lady niya dito na si Heart Evangelista. Text by Erick Mataverde. Additional text and photos courtesy of Regal Films.

starsSa press conference ng official entry ng Regal Films ang Mano Po 6: A Mother’s Love sa Metro Manila Film Festival, inamin ni Dennis Trillo that, in spite of being able to play a diverse number of characters, fresh pa rin ang role niya dito bilang si Daniel, ang boyfriend ni Stephanie, who is played by Heart Evangelista.

“Medyo kakaiba ‘tong role ko dito. Medyo may pagka masama and may pagka-deceiving – with the con artist na parang mala-sindikato type. First time kong makagawa ng ganun,” he revealed. “Nakita ko naman ‘yung mga eksena at maganda naman ‘yung kinalabasan. Sana matuwa rin ‘yung mga makakapanood.”

Sinabi din ng aktor na nadagdagan ang kanyang challenge dito because he plays opposite Heart who overwhelms him every time na may scene sila together.

Dennis explains, “Bukod sa sobrang ganda niya – flawless – sa ugali naman sobrang bait, very pleasant. Kahit na titingnan mo siya na sobrang sosyal, very intimidating – pag nakausap mo siya magugulat ka sa kabaitan niya. Kung ibang tao ang ganun parang hindi bagay, pero kung siya, iba talaga.”

And, this was proven by none other than Regal Films’ producer Lily Monteverde who pronounced na, “Magaling at sikat na mga artista sina Dennis at Heart. Pero pati ako nagulat sa chemistry nung dalawa. Ang lakas. Talagang bagay sila.”

Ngunit, siyempre, being the professional actor that he is, ibinigay ni Dennis ang performance that is expected from him in the movie.

stars”Ang importante sa akin, maganda yung kinalabasan ng pelikula, kabuuan nung pelikula. ‘Yun ‘yung importante sa akin, hindi ‘yung individual performance na kung sino or ako ‘yung importante,” he declared.

Dagdag pa niya na sisiguraduhin niya na hindi magsasawa ang mga fans niya dahil iba’t-ibang klaseng Dennis Trillo ang masasaksihan nila sa Mano Po 6 at sa mga susunod pa rin niyang projects sa 2010.

“Sobrang thankful ako na maraming ibinibigay sa aking trabaho – nagpapasalamat ako na kahit sunud-sunod sila – minsan isang araw magkakasunod pa pero, at least iba-iba,” he promises. “Iba-iba ‘yung roles kahit na lagi nila ako nakikita, maganda ang bawat project at kakaiba ‘yung napapanood nila.”

At ngayong panahon ng Pasko, may christmas wish pa ba si Dennis sa dami ng blessings na nakuha niya this year?

“Ako, gusto kong maging healthy, para makayanan ko ‘yung lahat ng trabaho na ibinigay sa akin. ‘Tsaka para sa pamilya ko naman, siyempre gusto ko na magkaroon kami ng quality time – bonding, kasama yung anak ko, kasama ‘yung buong pamilya,” he states. “At siyempre gusto ko makalimutan nila lahat ng problema nila. Gusto ko maging part ako para mangyari ‘yun – na maging masaya sila and wala nang iniisip na kahit anong problema.”

Panoorin si Dennis Trillo sa Mano Po 6: A Mother’s Love, showing in theaters nationwide starting December 25.

Leave a comment!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.