Home » Showbiz And Icons

Vhong Navarro is inspired by new series that focuses on Mother Nature

Submitted by on December 6, 2009 – 10:16 amNo Comment
Share

Vhong Navarro is inspired by new series that focuses on Mother NatureMay mga nasulat kamakailan na nape-preempt daw ng Showtime ang sumusunod ditong programa, ang Wowowee, dahil halos may pagkakahawig ang tema ng dalawang top-rating shows ng ABS-CBN.

Sa nakaraang Kokey pictorial, tinanong namin si Vhong Navarro, isa sa mga host ng Showtime, sa obserbasyong ito at kung di ba siya kinakabahan na baka tuloy-tuloy nang pagsabungin ang mga shows nila ni Willie Revillame.

“Di naman sa pine-preempt. Sila Direk Bobet ang may konspeto niyan. Ako naman as a host, ginagawa ko lang ang tungkulin ko para entertain-in ang mga Kapamilya natin na nanood ng Showtime. Sa ratings, sobrang hapy kami kasi parang experiment lang ito. At least nag-click sa mga Kapamilya natin. Kahit wala kaming pinamimigay na pera, nae-entertain namin yung mga nanonood.

“Dun sa pinagsasabong ang Wowowee at Showtime, iisang network lang naman tayo. Si Kuya Willie, kaibigan ko siya so wala namang problema dun. Kami nagtatrabaho lang… Tulungan lang, tulungan lang tayo.”

Ano raw kaya ang edge ng Showtime sa ibang talent search shows na lumalabas ngayon?

“Sa Showtime kasi, di namin kailangan dito ang sobrang talented ka. Kaya nga ang sinasabi namin lagi, yung mga hurado dito ang importante, maalis ang mga nanonood. Yun ang kaibahan namin sa ibang talent search shows.”

FANTASERYE WITH MORAL LESSON. Matagal-tagal ding namahinga sa paggawa ng teleserye si Vhong. Ngayon ay balik fantaserye siya via Kokey, kung saan makakapareha niya si Angel Locsin. Aminado ang komedyante na sobra ang pressure sa parte nila dahil mataas ang ratings ng show na papalitan nila, ang May Bukas Pa.

“Yun nga ang pinag-uusapan namin sa story con kaya dapat galingan daw talaga namin. Dapat tulungan dahil ang papalitan nga namin ay napakalakas, ang May Bukas Pa. Kung sa May Bukas Pa ay si ‘Bro’ [Jesus Christ], dito naman ay si Inang Kalikasan ang mamahalin natin.

“Masarap sa pakiramdam na kasama ka sa show na makakapagbigay ng inspirasyon, ng magandang halimbawa sa tao, lalo na sa mga kabataan para gayahin nila.”

-pep

Leave a comment!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.