Home » Showbiz And Icons

Aljur Abrenica jokes why he deserves to be called the “Last Prince”

Submitted by on January 24, 2010 – 4:38 amNo Comment
Share

the last princeInumaga raw sa pagte-taping para sa The Last Prince si Aljur Abrenica kaya late siyang nakarating sa Cocktales bar sa Il Terrazzo, Tomas Morato, Quezon City, noong January 21, para sa press conference ng bago niyang endorsement with Kris Bernal, ang fruit shake na Fruitas.

“Talagang mabibigat po yung eksena… napagod po talaga ako sa prosthetics. Pasensiya na po talaga,” pagpapaumanhin ng StarStruck Ultimate Hunk. Alas-10 na ng umaga siya natapos dahil tinanggalan pa siya ng prosthetics.

“Kaya nga po The Last Prince, kasi ako po yung pinakahuli ring natatapos sa taping,” natatawang biro ng binata. “Yung prosthetics po kasi, kung gaano po siya katagal ikinakabit—two hours—ganun din po katagal siya tinatanggal. Minadali na nga lang po kanina. Parang nagkakasugat-sugat na nga po ang mukha ko para lang makauwi ng maaga.”

Nasambit ni Aljur na nauubusan na siya ng lakas. Naging pilyo naman ang pag-iisip ng ilang press people sa narinig at tinanong ang binatang Kapampangan kung bakit ito nauubusan ng lakas.

kris_bernal_and_aljur_abrenica“Kasi sa gym talaga, ‘tapos may trabaho pa, puyat. Talagang matutuyo ka, e. ‘Tapos nagdya-jogging ka pa, ayun, mauubusan ka po talaga ng lakas,” sagot ni Aljur, sabay baling sa ka-love team na si Kris. (CLICK HERE to watch video of presscon)

KRIS’S BODY CHANGE. Marami ang nakapansin na tila gumaganda nang muli ang katawan ni Kris. Malaking improvement sa dating pagpayat niya. Panay raw kasi ang kain ngayon ni Kris para bumalik ang dating katawan.

“Kasi maski ako, nagtaka rin ako nung makita ko ang sarili ko sa screen at makita kong sobrang payat ko na pala talaga. So, ‘eto po, nagpapataba na uli ng pisngi,” sabi ng dalaga.

Pero kasabay ng paggandang muli ng katawan ni Kris ay ang mga akusasyon ng ilang tao na nagpa-collagen injection daw ang dalaga ng pisngi.

“Wala po talaga. Ganyan po talaga iyan. Nagkaganyan lang po talaga yan kasi tumataba na uli ako. Wala po talaga akong pinagawa na kahit na ano.”

aljur krisREADY TO TAKE ON FHM? Attention-getting din ang suot ni Kris na black top. May mababa itong neckline na tumatawag ng pansin sa kanyang cleavage. Dahil sa bahagyang pagpapakita ni Kris ng alindog, natanong tuloy ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung may balak na rin ba itong magpa-sexy tulad ng ibang StarStruck alumnae na sina Iwa Moto, Cristine Reyes, Jennylyn Mercado at LJ Reyes, na nag-pose na sa panlalaking magazine na FHM.

“Hindi ko po masabi. Ako naman po, basta po sa trabaho, handa po ako sa lahat, handa po ako sa kahit na ano. Pero yun nga po, since alaga kami ng GMA, nasa kanila po kung gusto nila yun para sa akin. So kahit na ano po ang gusto nila, susunod po ako at go ako. Pero sa ngayon, eto lang po muna. Pero ok lang po sa akin,” sagot ni Kris.

ON BEING COMPARED WITH KIMERALD. Sa mga fans naman na pinagtatapat sina Kris at Aljur sa tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson, sinabi ni Kris na honored at flattered sila’t itinatapat sila sa mas kilalang love team na Kimerald.

“Pero malayo pa po, e. Kumbaga, may iba’t iba kaming style sa trabaho, sa love team namin… Talagang malayo pa. At malaki at mataas ang tingin namin… ako malaki ang tingin ko sa Kimerald. And happy kami na sana, maabot din namin yung tagumpay na naabot nila,” pahayag ni Kris habang tumatango naman sa pagsang-ayon ang nakikinig sa tabi niyang si Aljur.

Leave a comment!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.