Home » Showbiz And Icons

Aljur Abrenica shows more skin for new telefantasya The Last Prince

Submitted by on January 6, 2010 – 5:26 amNo Comment
Share

Maraming dapat ipagpasalamat ang StarStruck Batch 4 Ultimate Hunk na si Aljur Abrenica noong 2009.

Unforgettable ang nagdaang taon para kay Aljur. Bagamat nasangkot siya sa isang kontrobersiya na humantong pa sa demandahan, hinirang naman siya bilang isa sa sexiest male actors at tinangkilik din ng marami ang tambalan nila ni Kris Bernal.

Mula sa mga pinagsamahan nilang TV shows tulad ng Boys Nxt Door, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Dyesebel, at Luna Mystika, pinatunayan nina Aljur at Kris ang lakas ng kanilang mass appeal nang mag-set sila ng record sa kanilang afternoon drama series na Dapat Ka Bang Mahalin?.

Dito na nagsimulang sumugal ang GMA-7 sa Aljur-Kris loveteam at binigyan sila ng early primetime series na All My Life na naging toprater din. Binansagan din ang kanilang loveteam bilang “Royal Teen Couple.”

Ngayon ay balik sa primetime sina Aljur at Kris sa unang telefantasya offering ng GMA-7 ngayong 2010, ang The Last Prince. Gaganap si Aljur bilang si Prinsipe Almiro ng Kaharian ng Paladino at iibig siya sa isang mortal na nagngangalang Lara (gagampanan ni Kris). Pero isang sumpa ang hahadlang sa kanilang dalawa na siyang iikutan ng istorya ng The Last Prince.

TEN TIMES THE PRESSURE. Kung sa unang pagkakataon na mabigyan sila ni Kris ng sarili nilang soap ay hindi nawala ang kaba sa dibdib ni Aljur, ngayon at malapit nang ipalabas ang The Last Prince, times ten na raw ang kaba sa dibdib niya. Alam daw kasi ng young actor na mas lumaki ngayon ang expectations ng maraming tao sa kanila ni Kris.

“Ganito yata talaga ang pakiramdam, lalo na’t sa start ng 2010, ang show namin ni Kris ang inuna,” sabi ni Aljur sa PEP (Philippine Entertainment Portal). “Hindi na nawala ang kabog sa dibdib ko since nag-start kaming mag-taping for The Last Prince. Parang hindi ako mapakali parati.

“Hindi ko ma-explain kung excited ba ako o natataranta ako. Kasi nga, mas malaki itong The Last Prince kumpara sa mga ginawa namin na Dapat Ka Bang Mahalin? at All My Life. Talagang ginastusan ng GMA-7 ang telefantasya na ito at ayaw naming mapahiya ni Kris. Gusto naming ma-meet ang expectations ng maraming tao sa amin.

“Kaya nga panay ang dasal namin na maging successful ang pilot week namin dahil pinaghirapan namin ito nang husto. Right after ng All My Life, nagsimula na kaming mag-work para sa The Last Prince. Kaya since October 2009 ay naghanda na kaming dalawa ni Kris. Dasal naming dalawa na mag-enjoy ang lahat nang manood nito beginning January 11.”

Natutuwa rin si Aljur dahil napakalaki ng casting ng The Last Prince at puro mahuhusay na mga artista ang magbibigay suporta sa kanila. Ilan sa mga ito ay sina Carmina Villarroel, Eula Valdes, Angelu de Leon, Princess Punzalan, Chanda Romero, Emilio Garcia, Bianca King, Chynna Ortaleza, Paolo Ballesteros, Benjie Paras, Karen delos Reyes, Stef Prescott, Jace Flores, at marami pang iba. Kasama rin dito ang tambalan nina Geoff Eigenmann at Carla Abellana.

CHALLENGE FOR ALJUR. Ang dapat daw abangan sa The Last Prince bukod sa magandang istorya nito ay ang magagandang costumes at ang palasyo na itinayo pa ng GMA-7 para maging kaharian ng Paladino.

Nilagyan din ng prosthetics si Aljur para magmukha siyang halimaw na siyang sumpa sa kanyang ginagampanang role.

“Isa yun sa naging malaking challenge sa akin,” sabi ni Aljur. “Dahil nga sa sumpa, pumangit ang mukha ko. Gusto ni Direk Mac [Alejandre] na hindi ako masapawan ng prosthetics sa mukha. Kailangan mas umangat daw parati ang performance ko. Hindi madali ang may prosthetics sa mukha, pero kailangan nating tiisin at gawin pa ring maayos ang trabaho natin.”

Isa pang challenge kay Aljur ay ang i-maintain ang kanyang magandang pangangatawan para sa role niya as Prinsipe Almiro. Ang mga costumes na suot kasi niya ay kita ang mid-section ng katawan niya at mga braso niya. Kaya kailangang toned ang kanyang abdominal and arm muscles.

“Since rumampa ako sa Cosmo Bachelor Bash last year, hindi ko na pinabayaan ang katawan ko,” aniya. “Panay ang workout ko, lalo na para sa The Last Prince kasi medyo sexy ang mga suot ko dito bilang prinsipe.

“Mine-maintain ko ang diet ko at workout schedules ko. Hindi tayo puwedeng tumaba kasi pangit daw tingnan sa costume na suot ko for the series. Kaya noong Christmas at Bagong Taon, hindi ako makakain nang husto. Hindi ko na-enjoy ang mga handa sa bahay kasi nga baka tumaba ako. Kaya hanggang tingin lang ako sa mga handa namin noong Noche Buena at Media Noche!” sabay tawa ni Aljur.

ACTS OF LASCIVIOUSNESS CASE. Kinumusta din ng PEP ang tungkol sa acts of lasciviousness case na isinampa ng isang dalagita laban sa kanya last year. Ano na ang development sa kaso niyang ito?

“Ang abugado na lang namin ang tanungin ninyo tungkol diyan,” sabi niya. “Mahirap na pong magsalita tungkol diyan kasi may mga legal terms at ayokong may masabi ako na baka makasama pa.

“Basta kami ng family ko, ipinagdarasal namin na matapos na ‘yang kaso. Isa nga ‘yan sa gusto ko nang maayos kasi naaapektuhan na nang husto ang family ko. Pero naniniwala naman ako na hindi kami pababayaan ng Diyos at magiging mas maganda ang taong ito para sa aming lahat.”

Leave a comment!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.