Home » Showbiz And Icons

Bong Revilla and Lani Mercado remain together despite the trials in their marriage

Submitted by blogphilippines on January 4, 2010 – 6:05 amNo Comment

Base sa latest official box-office gross ng mga pelikulang kalahok sa 2009 Metro Manila Film Festival (MMFF), nangunguna na ulit ang Ang Panday at sinusundan ng Ang Darling Kong Aswang. Nasa ikatlong puwesto na ang I Love You, Goodbye, pang-apat ang Shake, Rattle & Roll XI, panlima ang Mano Po 6, pang-anim ang Nobody, Nobody But Juan, at panghuli ang Wapakman.

Kaugnay nito, umupo sa “Intriga Crossfire” segment ng Showbiz Central ang bida at co-producer ng Ang Panday na si Senator Bong Revilla kasama ang misis nitong si Lani Mercado.

Totoo bang plano nilang gumawa ng sequel ng Ang Panday dahil sa malaking tagumpay nito sa takilya?

“Well, we’re planning to do another Panday dahil nga sa turnout ng box-office ngayon at marami na ang humihiling for the Part 2,” sagot ni Bong sa tanong sa kanya ni Raymond Gutierrez. “So, we might. Actually, pinag-uusapan na natin. Hindi pa lang natin naisasara lahat. So, abangan na lang natin sa December 25 [2010] kung meron. Pero siyempre, kapag gumawa tayo, we have to surpass yung first one, yun ang challenge sa amin.”

Naging vocal naman si Lani na gusto niya si Iza Calzado bilang leading lady ni Bong. Ano ang mga nakita niya kay Iza na wala sa ibang leading ladies ni Bong noon?

“Ay, huwag namang i-compare si Iza sa iba,” iwas ni Lani. “Well, siguro ang masasabi ko kay Iza… I’ve worked with her. I played as her mom in Kaya Kong Abutin Ang Langit at noon pa man, alam ko na pinaplano siya ng Imus Productions na kuhanin siya, kaya lang, hindi nagkakatugma ang mga schedules niya. She’s very busy also. So, finally, kinuha ng Imus Productions for Panday.”

Tinanong naman ni John “Sweet” Lapus si Bong kung ano ang pakiramdam na manalong Best Actor sa MMFF Awards Night?

“Cloud nine!” bulalas ng actor-politician. “Up to now hindi pa rin ako makapaniwala. Actually, this is my third Best Actor award. Isa yung sa television [for Idol Ko Si Kap], isa yung sa FAMAS, at ‘eto yung sa MMFF. Talagang makapanindig-balahibo at hindi ko na maintindihan kung ano ang pakiramdam ko habang tinatanggap ko ang award. Kaya isang malaking karangalan para sa akin yun.”

Bukod sa Best Actor award, ay humakot pa ng anim na trophies ang Ang Panday sa MMFF Awards Night, kabilang na ang Best Picture.

BONG & LANI’S GRANDSON. Tanong naman ni Sweet kay Lani, totoo nga bang sa kanila nag-Pasko at nag-New Year ang apo nilang si Gab? Si Gab ay anak ni Jolo Revilla sa dating kasintahan nitong si Grace Adriano, na anak naman ng aktres na si Rosanna Roces.

“Kay Grace siya nag-Pasko. Tapos itong pagpasok ng 2010, sa amin naman siya nag-New Year,” sagot ni Lani.

Sabi ni Sweet, napansin daw niyang simula yata nang ipinanganak si Gabay “inaaway” sila ni Rosanna. Ano ang gusto nilang mangyari para matapos na ang ganitong isyu? Parang ang sagwa naman daw yata na binata na si Gab ay tinatalakan pa rin sila ni Osang?

Ayon kay Bong, “Alam n’yo, para sa akin, bagong taon na, kalimutan na natin ang nakaraan. Isipin na lang natin kung ano ang maganda. At kung ano ang maibibigay nating magandang kinabukasan para sa bata. Walang dapat pagtalunan. Isa lang naman ang hangarin natin, mabigyan ng magandang kinabukasan.”

Meron na ba silang settlement o arrangement pagdating kay Gab?

Si Lani naman ang sumagot sa puntong ito. Aniya, “Mas mabuti siguro kung ang mga magulang ni Gab ang magsasabi nito. Hindi kasi under jurisdiction namin ang bata. Kami kasi ay mga grandparents na at ang nagdedesisyon para kay Gab ay sina Jolo at Grace.”

Dugtong naman ni Bong, “Ang sa amin, kung anuman ang samaan ng loob, gusto namin matapos na. Kasi, wala namang dapat pagtalunan.”

THROUGH THE YEARS. Tanong naman ni Rufa Mae Quinto kay Lani ay kung kailan siya huling na-touch kay Bong dahil sa magandang ginawa nito para sa kanya?

“Noong nakaraang birthday ko last year,” sagot ni Lani. “Sinorpresa niya ako na hindi ko inaasahan. Kasi alam ko, busy na ako noon ng mga panahon na yun sa pagtulong, sa pag-ikot, sa pagtulong sa brother-in-law ko sa Bacoor, kay Mayor Strike [Revilla]. So, yun. All of a sudden, may sorpresa pala siya.”

Si Bong naman?

“Araw-araw sa buhay ko, sinusorpresa niya ako ng pagmamahal,” aniya. “Wala na tayong mahihiling pa. Very supportive siya sa akin when it comes to politics, showbiz career… wala akong masabi.”

Tanong naman ni Pia Guanio kung ano ang kinukunsidera nilang pinakamalaking pagsubok sa kanilang samahan?

Sabi ni Lani, “Alam n’yo kasi, sa dami na ng dumaan, hindi ko na alam kung ano ang darating pa. Tama na siguro. Ang wish or blessing na maibibigay ng Diyos sa ay tumahimik at huwag maintriga ngayong 2010. At talagang puspusan ang support at pagmamahal ng mga tao sa buhay namin, ganun na lang siguro.”

Ayon naman kay Bong, “Alam n’yo, ang buhay ng artista, punong-puno ng intriga. Kapag hindi ka na pinag-uusapan, ibig sabihin, corny ka na… Kakabit na ng intriga ang showbiz.”

Ano ang advice na maibibigay nila sa ibang showbiz couple?

Lani: “Huwag makikinig sa ibang tao. Ang pakinggan n’yo, yung kayong dalawa lang. Kasi, at the end of the day, kayong dalawa ang magkakasama at hindi yung mga taong nakapaligid sa inyo. Kumbaga, communication at yun nga, huwag makikinig sa ibang tao and, of course, magdasal.”

Bong: “Sa akin, sa dami ng mga intrigang dumating, left and right, kita n’yo, yung samahan namin, talagang hindi matinag. Kasi, alam naman ng bawat isa sa amin yung limitasyon na hindi kayang lagpasan. Basta ang importante, nagmamahalan kayo at alam n’yo kung ano ang tama at kung ano ang dapat gawin.”

Dugtong pa ni Lani, “At dapat alam mo kung ano ang dapat ipaglaban mo at kung ano ang hindi mo dapat ipaglaban.”

“Malalim yun!” hirit ni Bong habang tumatawa.

Ano naman ang mensahe nila para sa isa’t isa?

Lani: “I want to congratulate you, Papa, for all the blessing that you have received. You’re very blessed. At alam ko you shared all your blessing to a lot of people, sa pinakamalaki at hanggang sa pinakamaliit na taong kakilala mo. Ang message ko para sa ‘yo, pagbutihin mo and also, please find time to rest. Kasi alam ko kapag nai-stress siya, nai-stress din ako. Kapag nai-stress ako, nai-stress din siya. So, please find time to rest and take a breather. Relax and enjoy life.”

Bong: “Para sa akin, wala na akong mahihiling pa. So much blessings. Sa buhay ng tao, kumbaga, bilang artista ngayon, lahat nakuha ko na. Bilang isang pulitiko, naging senator tayo na ni hindi natin pinangarap. Pero nandito tayo ngayon at hindi rin naman tayo nagkulang sa mga ginawa natin.

“I’m so blessed and I’m so thankful to the Lord at hindi tayo pinababayaan. At isa sa pinakamagandang blessing na dumating sa buhay ko, yung dumating si Lani. Na kahit na ano pang intriga, delubyo ang dumating, nandiyan pa rin siya. Magtitiis para sa akin. I’m not perfect. I’m not perfect… Pero despite all the challenges na dumating sa buhay namin, mahal n’yo pa rin ako at mahal n’yo pa rin ang pamilya namin..”

Leave a comment!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.