Home » Showbiz And Icons

Kim Chiu and Gerald Anderson confident with their upcoming projects

Submitted by on January 4, 2010 – 6:54 am2 Comments
Share

Bilang birthday gift, isang pink bike cruiser mula sa Japan ang iniregalo ni Gerald Anderson sa leading lady na si Kim Chiu. Matatandaang noong nag-debut si Kim ay isang pink car ang ibinigay ni Kim. Meron pa umanong regalo pa si Gerald sa kanyang leading lady subalit hindi pa umano ito pwedeng sabihin nang ma-interview ni Kris Aquino sa The Buzz kahapon. Ayaw ring sabihin ni Kim ang regalo niya kay Gerald dahil hindi pa raw ito nakikita ng binata.

Pareho namang thankful ang dalawa sa kanilang very fruitful na 2009 at mukhang mananatili pa ang kanilang popularidad ngayong 2010. Ngayong Enero pa lamang ay dalawa nang project ang nakapila para sa dalawa, isang teleserye (Kung Tayo’y Magkakalayo) at isang pelikula (Paano Na Kaya?).

Although aminadong pressured si Gerald, malakas naman ang kumpiyansa niya na tatangkilikin ang kanilang mga proyekto. “Bilang opening ng Star Cinema for 2010 siyempre ‘yung pressure andon pero me and Kim are very confident sa movie at sa bagong soap namin. Sobra po kaming confident for these projects,” pahayag ng binata.

Wala namang pagsidlan ng tuwa si Kim sa ganda ng takbo ng kanilang career at sobrang thankful lang siya sa sunud-sunod na proyekto nila ni Gerald. “Syempre masaya po kami and sobrang thankful po kami sa ABS-CBN at Star Cinema sa tiwalang ibinigay sa amin na bigyan kami ng malaking teleserye at ng malaking movie kaya gagalingan namin and siyempre sobrang confident kami.”

Sa Enero 18 na ang simula ng kanilang teleserye na Kung Tayo’y Magkakalayo kung saan kasama rin si Kris, Gabby Concepcion, Albert Martinez, Coco Martin at Gina Pareño habang sa Enero 27 naman magbubukas sa sinehan ang kanilang second team-up movie na Paano Na Kaya?

2 Comments »

  • raziel12 says:

    KImerald ako forever kahit na nabuwag ang kanilang pagiging loveteam..mananatili pa rin ang KIMERALD sa puso at isip ng mga tao…KIMERALD kami forever…sana magkaroon sila ulit ng project..kami mga fans nila ay palaging lamang naka abang sa kanilang next na proyekto…

  • labbnutzx says:

    i labb kim

Leave a comment!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.