Kris Aquino reveals she’s ready to move in her new home
Pagkatapos tutukan ng mga manood ang tell-all interview ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa The Buzz last Sunday nagkaroon din ng pagkakataon ang ABS-CBN.com na makunan pa ng ilang pahayag ang controversial TV host/ actress sa kanyang programa sa Primetime Bida ng ABS-CBN with Boy Abunda na Showbiz News Ngayon.
Isa sa mga nabanggit ni Kris sa tell all interview sa The Buzz na kailangan muna silang magkalayo ng mister niyang si James Yap para magkaroon muna sila ng space pagkatapos ng latest controversy sa pagsasama nila at pagsulpot ng pangalang Mayen Austria. Nataon din kasi na malapit nang i-turn over ni Kris ang bahay nila ni James sa Valle Verde II sa nakabili at bagong may-ari nito. “Kasi talaga as early as January 15 dapat nag-turnover kami kaya lang hindi pa tapos. So, dapat January 25. But I’ll be in Cebu on January 22 and 23. Nakabalik na dito ng January 24. Tapos doon na kami dapat lilipat sa Juan Roxas, sa condo namin. But, ‘yun nga, my kids will be left alone in the house ‘di ba? I work and then madaling-araw ako nakakauwi. So, ‘yung sister ko rin sinabi sa akin, si Pinky (Aquino-Abellada), said na isasama na lang daw niya si Baby James doon sa mga lakad niya tutal naman daw si Joshie (Joshua) nagi-school. And then, mag-dinner na lang daw with them. Tapos kapag time to sleep doon na lang pauwiin.
“Kasi dapat doon kami kasi ‘yung daughter niya nag-aaral sa Portugal . Patapos na and then, so, they have the daughter’s room and the guest room. So, we were really gonna really use that. Tapos kanina ‘yung nagpa-check hindi naghi-heat ‘yung water heater. So, sinabi ni Pinky, ‘My God! Lalaitin mo pa ako na wala kaming water-heater.’ So, tumatawag siya doon sa contractor para ayusin. E, siyempre Sunday ‘di ba? Tapos sinabi ni Pinky sa akin, parang ‘It’s up to you but I’m warning you walang hot water doon sa two rooms’ na pwedeng ano,’ kasi ‘di ba kapag matagal hindi nagagamit naa-ano ‘yun. E, eto kasi, ‘yan, o,” lahad ni Kris.
Nabanggit ni Kris na may ilang kapitbahay pala niya sa Valle Verde II ang nakakita sa kanya sa harap ng bahay ng mga Austria. “Si Roy Iglesias also lives pala in Valle, inaanak ni Boy. So ‘yung wife ni Roy Iglesias called up Boy to say, ‘Boy, my son saw Kris at akala nga niya nangangampanya si Kris.’ Hahaha! Kasi parang wala lang daw, nagtis-tsikahan lang, ganu’n. Akala nagha-house-tohouse na ano, ‘Mommy, I saw Kris. Nasa labas siya talking to them,’ So, parang ang feeling daw nu’ng ano, so, ang feeling ko, ‘okay if you really feel na nagwala ako ‘di ba? Hindi magmu-mukhang parang nagka-campaign. E, kung nagka-campaign, nicey-nicey ka doon ‘di ba?”
Nagsisisi ba siya sa ginawa niya lalo na nu’ng makita niya ng personal si Mayen? “I want to answer that honestly, but I can’t. Because if I answer that it will be babastusin ko ‘yung girl. So, I don’t want to answer na lang. Baka lumabas pa, baka sabihin pa, ayoko na lang.”
May ideya ba siya kung nasaan si James habang nagpapa-interbyu siya sa The Buzz? “I don’t know,” malumanay na sagot ni Kris. Hindi ba nag-text sa kanya si James bago siya nagsalita sa The Buzz? “Hindi, nag-text siya sa akin before ako nag-Buzz. Sinabi lang na pwede bang huwag mo na lang banggitin na may space sa atin ngayon para lalo na huwag na itong lumala? But no, I said pa rin ‘di ba? No, kasi I honestly felt lang kung pagtatakpan namin ‘yun mas magbo-boomerang sa amin because isa na nga sa mga accusations was, ‘Naku imposibleng maghihiwalay ang dalawang ’yan bago mag-eleksyon.’ So, I just don’t lie lang talaga na sasabihin nagpapaka-plastik ang family namin for the sake of the election because nga it is not an issue as far as the election is concern. ‘Yun din nasabi ko ‘yun. Bilang kapatid ni Noy I am not a liar, hindi ako magnanakaw, hindi ako mamatay tao. So, bakit ako gagamitan laban kay Noy?
“In all fairness din naman to my brother kasi sinabi niya na parang ah, sana maayos ninyo ‘yan. But don’t ever think that my candidacy should be parang a matter for consideration. Kasi parang sinabi ni Noy parang ‘yung sa personal ninyong buhay immportante kasi sa inyo ‘yun. Kasi parang ’di ba kasi lumabas din ‘yun kaya naman pinagbati makakasira sa kampanya or whatever.
“Again in all fairness naman talaga na-tackle ‘yun kasi I had to tell Noy what was happening kasi alam d naman natin na magagamit din ‘yun laban sa kanya. Na paarng, ‘O, tingnan mo ang pamilya niya magulo, a-tsu-tsu-tsu, Ganyan-ganyan. But then, he said nga talaga may candidacy should never be an issue as long as the marriage is what matters and your relationship with your kids.”
Habang nagsasalita si Kris sa The Buzz, taimtim naman daw na nagdarasal ang kanyang mga kapatid sa simbahan. “Pray sila ng pray. Oo, pray-pray ‘yung mga sisters,” natutuwang pahayag ni Kris. Tapos na ang taping ni Kris for SNN nu’ng makatanggap siya ng text mula sa kanyang Ate Pinky. Ayon sa text, “Just saw tape. Very good and I’ve been getting nothing but positive texts. Thank u God, thank u mom. Sana ends na. Heater in guest rm fixed na so if want 2 transfer 2nyt (Sunday) pls tell one of yayas 2 call Paula na & ready din food. Hope pantals have subsided.”
Sa tingin ba niya kailangan siyang suyuin ni James para magkaayos ulit sila? “E, dapat lang! From heaven to foot,” diin ni Kris. Anong klaseng panunuyo naman kaya ang dapat gawin sa kanya ni James? Okay na ba sa kanya ang mamahaling diamond jewelry? “Hindi, kasi, ang material kayang-kaya ko ‘di ba? Hindi, ‘di ba? I’m sorry. It shouldn’t be material. It should really be effort na lang talaga,” tapos ni Kris.










