Home » Showbiz And Icons

Luis Manzano hopes someday to win back Angel Locsin

Submitted by blogphilippines on January 24, 2010 – 9:58 pmNo Comment

sexy luis manzanoMay ginagawang pelikula ngayon ang TV host-actor na si Luis Manzano para sa Viva Films entitled Hating Kapatid. Sina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo ang mga bida rito at si Sarah ang love interest niya.

Naging blockbuster ang dalawang pelikula ni Sarah kung saan katambal niya si John Lloyd Cruz, ang A Very Special Love at You Changed My Life, both under Star Cinema.

Ngayong sinubukan naman ng Viva na ipareha siya kay Luis, at tingnan kung tatanggapin sila ng publiko.

May pressure ba kay Luis na baka hindi tanggapin ang love team nila ni Sarah, tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa binata kahapon, January 24, pagkatapos ng Sunday variety show na ASAP kung saan ay regular mainstay siya.

sexy angel locsin“Yung pressure naman kasi ayoko nang ikumpara dahil napakalakas ng A Very Special Love, especially yung You Changed My Life. Sobra-sobrang lakas noon at fan ako ng tandem nila. So ayokong isipin yung pressure na yun.

“Basta ang sa akin, kung ano man yung kaya naming gawin ni Sarah, at siyempre nandiyan ang napakalaking tulong ni Juday, basta ako kumbaga I just want to enjoy this project dahil matagal ko na ring gustong makatrabaho si Sarah,” sabi ni Luis.

EASY TO FALL IN LOVE WITH. Noong magtambal sina Sarah at John Lloyd ay nilagyan sila ng love angle. Posible rin kayang ma-link si Luis kay Sarah ngayong may pelikula silang ginagawa?

luis angel“Well, yung sa amin naman kasi is more of a family movie. Yung istorya hindi naman nakaikot sa love story namin. The story will revolve around Juday ang Sarah. Kaya nga Hating Kapatid ang title ng movie namin… Sana lang siyempre, ah, kung ano man yung chemistry namin si Sarah, e ma-translate namin sa big screen.”

Pero posible bang magkagusto si Luis kay Sarah?

“Why not,” sagot ni Luis. “Si Sarah, alam naman ng tao, kung gaano kabait yan and everything else. At kung gaano ka-charming.”

Kaya lang, hindi pa allowed ito ng kanyang ina na tumanggap ng suitors. Kaya nga raw laging nakabantay ito kay Sarah.

“Of course, si Tita Divine kasi kasama ni Sarah palagi. Hindi para bakuran, pero siyempre gusto ni Tita involved siyempre sa mga ginagawa ni Sarah. So hindi naman necessarily namamakod para walang lumapit.”

luis_manzanoPINING FOR ANGEL. May balitang muling sinusuyo ni Luis ang dating girlfriend na si Angel Locsin. Inamin naman ni Luis na gusto niyang makipagbalikan dito.

“Yes, kahit paano I’m trying to work things out. So hopefully maayos naman ang lahat,” saad niya.

Sa isang pahayag ni Angel sa SNN: Showbiz News Ngayon tungkol sa muling panunuyo ni Luis, ang sabi nito ay mahirap daw magsalita tungkol dito dahil may lamat na. Ano ang reaction ni Luis sa naging pahayag ng dating minamahal?

“Sabi nga namin for a while, medyo hindi naging maganda ang pinagdaanan namin. Siguro hopefully may mga lamat namang naaayos. Sana, sana maayos.”

Leave a comment!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.