Luis Manzano on Efren Peñaflorida’s intention to court ex-gf: “Sino ba ang walang may crush kay Angel Locsin?”
Sa napabalitang balak na panililigaw ng CNN Hero na si Efren Peñaflorida kay Angel Locsin, marami ang nais malaman ang reaksiyon ng dating boyfriend ng aktres na si Luis Manzano. May balita kasing gumagawa ng paraan ngayon si Luis para magkabalikan sila ni Angel kaya’t isang “sagabal” sa kanyang intensiyon, kung saka-sakali, si Efren.
Nang matiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Luis ay kinuha na namin ang pagkakataon upang tanungin siya tungkol sa balak na paniligaw ni Efren kay Angel.
“Common sense na lang, sino ba ang walang may crush kay Angel Locsin?” ang proud na sagot ni Luis. “I guess every guy admires Angel Locsin. Saka wala namang masama sa pagkakaibigan. In terms dun sa nanliligaw daw, wala pa akong naririnig na confirmation saka ayokong mag-comment. Sa akin lang, if someone admires Angel, it’s no surprise sa dami ng humahanga kay Angel.”
Hindi ba siya masasaktan kung magkagustuhan nga sina Angel at Efren?
“Wala naman akong magagawa, it’s none of my business na rin,” sabi ni Luis. “In terms sa kung ano ang magiging feeling ko towards that, wala, respeto ko na lang kay Angel and Efren. Just like I’ve said, it’s none of my business.”
“SHE’S VERY SPECIAL.” Hindi naman itinatago ni Luis na hanggang ngayon ay espesyal pa rin para sa kanya ang dating kasintahan.
“Yes, she’s very special for me. Sabi ko nga, kahit medyo matagal-tagal nang nangyari yung breakup namin, she’s still a very, very big factor of my life,” pag-amin niya.
Umiwas naman si Luis nang tanungin ng PEP tungkol sa efforts na ginagawa niya to win Angel back.
“Ito na siguro yung phase na ibalato na lang sa amin yun,” sabi ng TV host-actor. “Siguro mas maaayos ito nang mas madali or made-determine namin kung ano ang tama, karapat-dapat, kung hindi na mag-aano ang external forces. Ako, I don’t want to be too certain about anything in the future. Sabi ko nga, life has something about it that never fails to surprise us.”
Aminado si Luis na naging malungkot siya last Christmas and New Year dahil na rin sa naging breakup nila ni Angel.
“Well, it’s sad definitely, but there are more years naman sa isang taon na puwedeng ikatuwa,” sabi niya. “Of course, I greeted her, binati ko ng Merry Christmas and Happy New Year. Honestly, wala pa akong gift sa kanya. Wala pa akong gift kahit na kanino kasi hindi pa talaga ako nakakaikot or anything dahil yung last stretch ng Christmas, hindi ako nakapag-shopping. But of course, babawi naman ako sa regalo. Actually, may naisip na ako na ibibigay sa kanya.”
JUDAY-SARAH MOVIE. Samantala, ibinalita ni Luis sa PEP na tuloy na ang pelikula na pagsasamahan nila nina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo para sa Viva Films.
“I guess it’s 95 percent na matutuloy yung sa amin ni Sarah and Ms. Judy Ann Santos,” banggit niya.
Hindi naman naniniwala si Luis sa lumabas na balita before na may mga taga-Viva raw na humaharang na matuloy ang pagtatambal nila ni Sarah.
“Wala akong alam sa mga sinasabing may humaharang daw. I don’t think it’s true kasi Viva ang nagsasabi sa akin to go for it. Ang alam ko lang, pinapaganda nila ang istorya, or siguro because of schedule reasons kaya hindi matuloy-tuloy na dapat nag-start na. But in terms of harang, hindi ko alam kung totoo ‘yan.”
Bagamat excited na siya sa pagtatambal nila ni Sarah, nandun pa rin daw ang pressure kay Luis dahil naging blockbusters ang mga nakaraang pelikula ng Pop Princess with John Lloyd Cruz, ang A Very Special Love at You Changed My Life.
“I’m very, very excited!” sambit niya. “Sabi ko naman, I’m a fan of Sarah as a performer, I’m a fan of John Lloyd-Sarah loveteam. So, yes, I’d love to work with her. I have to see the script but knowing Direk Wenn, it’s a bit of comedy, light, tapos nandun din ang drama.
“Kung may pressure ba, oo naman, nandiyan yun. Pero ako kasi, ayokong as much as possible isipin yun. Ako, I’m more of I’ll do kung anuman ang sasabihin sa akin ni Direk Wenn, kung anuman ang requirements ng character ko. Hopefully, it will translate. Saka hindi naman iikot lang yun sa amin ni Sarah, nandiyan siyempre si Juday. Parang in itself, magiging hit na dahil sa kanilang dalawa.”










