Home » Showbiz And Icons

Sen. Bong Revilla prefers to focus on his movie’s success over criticisms

Submitted by on January 4, 2010 – 5:52 amNo Comment
Share

Sa kabila ng mga isyung ibinabato kay Sen. Bong Revilla sa kanyang pelikulang Ang Panday, mas pinipili ng actor-politician na mag-focus sa pagiging top-grosser ng pelikula laban sa ibang mga kalahok sa Metro Manila Film Festival. Ang nasabing pelikula rin ang nanalong Best Picture sa MMFF. Kinuwestiyon naman ito ng Regal Films matriarch na si Mother Lily na nagsabing noong nakaraang taon ay ang pelikulang Baler ang nanalong Best Picture subalit hindi top-grosser. Nanawagan din si Mother Lily sa MMFF na linawin ang kanilang criteria.

Para kay Sen. Bong naman, sinabi naman niya na hindi dapat pag-awayan ang ganitong bagay. “Hindi naman natin puwede basta matahin ‘yung pelikula,” depensa niya. “Pabayaan na lang natin humusga ‘yung taong-bayan. Ayoko namang magkatampuhan pa si Mother Lily at ang Imus Production (ang film outfit ni Sen. Bong). Ang importante, maganda ‘yung pelikulang ginawa.

Sa ipinadalang sagot ng MMFF management, 50 percent umano ang pagiging box office at ang natitirang 50 percent naman ay para sa artistic quality, message at cultural values ng pelikula. Sa official result ng MMFF as of January 1, narito ang top three films ng box-office: Ang Panday, P69.6 M; Ang Darling Kong Aswang, P66.7 M; at I Love You, Goodbye, 60.8 M. At dahil sa tagumpay ng Ang Panday, pinaplano na ni Sen. Bong ang paggawa ng part two ng pelikula sa susunod na MMFF.

At sa pagkukumpara sa kanila ni Vic Sotto na for the past years ay laging top grosser ang pelikula, optimistic naman si Sen. Bong dito. “Masaya ‘yon, eh. Malayo pa lang pinag-uusapan na ‘yung labanan sa 2010 sa pelikula na magaganda.

Pero as of now, hindi pa raw niya maki-claim na siya na ang hari ng MMFF. “’Yung tungkol d’yan hindi pa rin natin maki-claim hanggang hindi pa tapos ang karera at ‘wag tayong mag-away-away sa top grosser, hindi maganda ‘yon.”

Leave a comment!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.