Sharon Cuneta confirms she is adopting a baby boy
Kahit pang ilang best actress award na ni Sharon Cuneta ang nasungkit niya sa katatapos na Metro Manila Film Festival para sa kanyang pagganap sa pelikulang Mano Po 6 ay aminado siyang mayroon pa ring kaba every nomination night. Aniya, unpredictable kasi kung ano ang magiging resulta. “When it’s awards night like that, anything can happen,” sabi ni Sharon. “Ninenerbyos ako lalo na ‘yung last minute (before announcing the winner).” Pero sa kabuuan ang simpleng pagkaka-nomina umano ay karangalan na. “I always say that it’s always an honor to get nominated constantly, although not yearly, pero ‘yung often enough so that your consistency is established.”
Nang tanungin siya ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon kung ano ang pinaka-highlight sa 30 years sa career, hindi agad nakasagot ang megastar. “Para namang bine-betray ko ‘yung pagiging singer ko ‘pag sinabi kong grand-slam (actress) at parang bine-betray ko rin ‘yung iba pang napanalo kong roles na hindi grand-slam pero may meaning sa akin. So it’s very hard but that only just shows talaga kung magmahal ang Panginoon ay walang awat,” paliwanag niya.
Naging emosyunal din si Sharon nang pag-usapan ang tungkol sa kanyang loyal yaya na si Yaya Loring na halos 40 years niyang nakasama. Ani Sharon hanggang sa huli ay ipinakita sa kanya ng kasambahay ang loyalty niya.
Malaking rebelasyon naman ang inamin ni Sharon nang sinabi niyang mag-aampon na siya ng isang sanggol na lalaki na pinangalanan nilang Baby Miguel. “I don’t know if I’ll get pregnant again or even if I do, if I (could) still can carry the baby throughout the nine months, so we have a baby boy and inaayos namin ‘yung papers niya.
Ayaw naman niyang magbigay pa ng iba pang detalye dahil ongoing pa ang pag-aayos ng adoption papers ng sanggol at nais nilang protektahan ng bata. Nagpahayag rin si Sharon kung gaano nila kamahal ang nasabing sanggol. Aniya sa The Buzz, “Anak, Miguel, when you grow up and see this, the only reason I’m not showing your picture and I’m not bragging to anyone how proud I am to be your mama because I’m protecting you. But when everything is fixed, I want you to know that you weren’t born of my tummy but of mama’s heart. I love you very much, you are my son.”
Kinumpirma rin ni Sharon na gagawa sila ng pelikula ni Gov. Vilma Santos ngayong 2010.








