Home » Showbiz And Icons

Toni Gonzaga says past issue with Alessandra de Rossi is already settled

Submitted by on January 19, 2010 – 10:42 pmNo Comment
Share

toni gonzagaSa pagsasama nina Toni Gonzaga at Alessandra de Rossi sa ABS-CBN Sunday afternoon drama anthology na Your Song Presents My Last Romance, nabuksan na namang muli ang lumang isyu sa dalawa. Naging malaking balita kasi noon ang ginawang pagsugod at pagkumpronta diumano ni Alex kay Toni nang mabalitaan nito na nililigawan ng ex-boyfriend ni Alex na si Jeremy Marquez si Toni.

Bagamat matagal na ang isyu sa kanila ay hindi pa rin daw nagkakaayos ang dalawa. May balita pa ngang sa set daw ng My Last Romance ay nagkakailangan at halos hindi raw nag-uusap sina Toni at Alex.

alessandra de rossiNang magkaroon ng pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Toni ay tinanong namin siya kung totoo ngang may ilangan sa pagitan nila ni Alex at hindi sila nag-uusap sa set?

“Hindi nagkaroon ng ilangan. Nag-uusap kami, kaya lang hindi ganun ka-close katulad sa amin nina Mariel [Rodriguez], nina Bianca [Gonzalez]. Matagal na kaming okeay ni Alex. Kung may gulo, hindi tatangggapin ni Alex na magkatrabaho kami. At ako, hindi ko rin tatanggapin yun. The mere fact na pareho kaming nandito sa isang project, ibig lang sabihin nun, wala nang problema sa amin.”

toni gonzagaSa kabila ng mga hindi magandang namagitan sa kanila ni Alex, bukas naman si Toni sa posibilidad na maging magkaibigan sila.

“Ako, I’m open to anybody na gustong maki-friends sa akin. Maliit lang ang mundo, maliit lang ang show business kaya dapat wala tayong kaaway at wala naman akong kaaway dito,” saad ng Pinoy Big Brother Double Up host.

alessandra de rossiMY LAST ROMANCE & PBB. Masaya namang ikinuwento ni Toni sa PEP na extended ng two weeks ang My Last Romance nila ni Luis Manzano dahil sa mainit na pagtanggap dito ng publiko.

“Masaya kasi ngayon lang uli kami nagkatrabaho ni Luis sa acting, kasi lagi kaming magkasama sa hosting. Nakakatuwa kasi kahit papaano tinatanggap ng tao na umaarte kami,” aniya.

Isa sa haligi ng Pinoy Big Brother, masaya rin si Toni sa mainit na pagsuporta ng publiko sa reality show na hinu-host niya kasama sina Mariel at Bianca. Pero ano ang reaksiyon niya na marami pa rin ang naniniwala na scripted ang mga nangyayri sa loob ng Bahay ni Kuya, lalo na ang sinasabing espesyal na namamagitan kina Melai at Jason?

“Ever since naman, laging ‘yan ang issue ng PBB na scripted daw. Walang script ang PBB. Ang may script lang ay kaming mga hosts,” paglilinaw ni Toni.

BIRTHDAY GIRL. Bukas, January 20, ay ise-celebrate ni Toni ang kanyang 26th birthday. May selebrasyon ba siyang gagawin at ano ang kanyang wish para sa kanyang kaarawan.

toni gonzaga“May PBB ako bukas, may work ako. Siguro magpapakain na lang ako sa PBB staff, and sila naman ang kasama ko kahit Pasko, kahit New Year. They deserve it kasi wala kaming pahinga pare-pareho.

“This year, gusto ko ng wisdom. Importante ang wisdom because if you have wisdom, you make the right discernment, right decision, and you take the right path sa Kanya. Minsan kasi dumarating sa puntong minsan may mga mali kang nagagawa when it comes to your career, mga maling nasasabi on TV na hindi maiiwasan. So, importante ang wisdom kasi through it, anything will follow. Magiging maganda ang takbo ng lahat—career, personal life, everything.”

Hindi pa raw alam ni Toni kung ano ang regalo o hinahandang sopresa sa kanya ng boyfriend niyang si Direk Paul Soriano.

“Hindi ko alam kung ano ang balak niya kasi last year, nag-surprise party siya. Nandun sina Mariel, make up-artist ko, sina Ms. Linggit Tan, ibang mga taga-ABS, lahat ng mga importanteng tao sa buhay ko. Sa ngayon, wala akong idea, wala akong alam,” sabi niya.

Leave a comment!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.