Aljur Abrenica starts recording his debut album
Gusto na ring karirin nang husto ng young actor na si Aljur Abrenica ang pagkanta. In fact, sinimulan na niya ang recording ng kanyang album na co-produced ng SonyBMG at GMA Records.
“Nagre-recording na ako, nag-start na kami. May mga revivals, tapos medyo alternative siya; four revivals, anim na original. Meron din akong mga sariling composition. Si Arnel Pineda [lead vocalist of Journey], hinihingan namin ng kanta, pag-uusapan pa. Hindi pa rin namin napapag-usapan yung title, pati yung carrier single,” pagbabalita ni Aljur sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Siyempre pa, may dedicated na kanta rin si Aljur para sa ka-loveteam niyang si Kris Bernal. Ito raw ay ang “Truly, Madly, Deeply” na original ng Savage Garden.
THE HUNK. Bilang isa sa hunky young stars ng GMA-7, pinangangalagaan ni Aljur ang kanyang pangangatawan sa pamamagitan ng pagdyi-gym. “Four times a week ako sa gym—Tuesdays, Thursdays, Saturdays, and Sunday. One hour lang,” banggit niya.
Bilang Prinsipe Almiro sa top-rating fantaserye na The Last Prince, hindi nga naman puwedeng hindi pangatawanan ni Aljur ang pagiging Ultimate Hunk niya sa StarStruck 4. Although, hindi na siya nagda-diet ngayon.
“Hindi na. Wala namang rason, walang masyadong pinaghahandaan!” natatawa niyang sinabi.
Hindi kasi tulad last year, pinagsabay ni Aljur ang gym at diet dahil rumampa siya sa Cosmo Bachelor Bash.
May naiba ba sa pangangatawan niya ngayon?
“Hindi katulad nung dati, mas confident ako noon,” sabi ni Aljur. “Yung diet kasi malaking bagay, pero ang workout, hindi ako tumigil. Pero medyo tumaba nga ako ngayon, e.”
THE LAST PRINCE. Speaking of pagkain, tinanong din ng PEP si Aljur kung hindi ba siya hirap kumain at kumilos kapag nakalagay sa kanyang mukha ang prosthetics niya bilang pangit na lalake sa The Last Prince?
“Nakakakain naman ako. Pero mainit siya [prosthetics]. Hindi ko alam kung saan siya gawa, pero sabi nila galing pa daw ito sa ibang bansa, sa Italy yata. Kasi niluluto pa nila ‘to, special daw ito,” sabi niya.
Sulit naman ang sakripisyo ni Aljur dahil mataas ang ratings ng The Last Prince, base sa data ng AGB Nielsen among Mega Manila households.
“Natutuwa ako kasi sa kabila ng mga pagod na pinagdadaanan namin, nagkakaroon ng magandang resulta ‘tsaka hindi lang talaga biro itong ginagawa namin. Yung prosthetics ‘tsaka yung effects, ang daming oras na kinukuha sa amin kaya lagi kaming inuumaga. Mas ginaganahan akong magtrabaho kapag nalalaman ko na yung ratings, nakakawala siya ng pagod.”
VALENTINE’S DAY. Malapit na ang February 14. Saan sila magde-date ni Kris?
“Sa Valentine’s Day, after SOP, apat yung pupuntahan naming mga lugar, mga raket. Magkasama kami kaya ang date namin, trabaho. Mas maganda naman siguro yung ganun na marami kaming trabaho. At least, may income kami, di ba?” sabi ni Aljur.
May regalo na raw siya kay Kris sa Valentine’s Day, pero secret na muna raw kung ano ito.
“Sa akin na lang muna kung ano yun. Hindi ko pa nabibili, pero may naisip na ako.”
Bukod sa pagiging artista, isa rin palang businessman si Aljur. Kaya masaya siya nang ibalita niya sa PEP na malakas at kumikita ang kanyang bar na Ichiban Entertainment Center sa Tinga, Batangas City.
“Malakas siya, nakakatuwa kasi kahit taga-Maynila, dinadayo pa talaga. Kapag wala akong trabaho nandun ako, pumupunta ako,” kuwento ni Aljur.











all the best aljur ur my favorite just asking 4 a nice pix o u thanks