Home » Showbiz And Icons

Nikki Gil and Billy Crawford make a date on Valentine’s Day after Groovin’ Love concert

Submitted by on February 1, 2010 – 12:30 amNo Comment
Share

Nikki GilSa Araw ng Mga Puso, February 14, ay magkaka-concert sina Billy Crawford at Jay-R. Tawag na Groovin’ Love, itatanghal ito sa SMX Convention Center sa Mall of Asia, at guest nila sina Nikki Gil at Kyla.

Pero hindi totally magiging working day ang Valentine’s Day para sa magkasintahang Billy at Nikki. Kuwento ni Nikki, pagkatapos daw ng concert, kung may bukas pang bar or restaurant, ay magde-date ang dalawa para makumpleto naman ang importanteng araw na yun para sa mga katulad nilang nag-iibigan.

Ang pagse-celebrate ng mga ganitong okasyon ay isang paraan upang mapatatag ang isang relasyon. At isa pa ring nagsisilbi para mas lalong magkalapit ang mga nagmamahalan ay ang pagpapakatotoo sa sarili.

Ito ang suma-tutal ng mga ipinahayag ni Nikki Gil sa isang interview tungkol sa pagsasama nila ni Billy.

“Nakikita ko na natural sa kanya yung mahusay na pakikitungo sa kahit na anong klaseng tao,” sabi ni Nikki. “Hindi problema sa kanya ang kahit na anong klaseng tao. Napapakibagayan niya yun na hindi nawawala ang kanyang good breeding.

Nikki-Gil“Pero, katulad ko rin si Billy. Lumalabas ang pagka-jologs kung minsan, and I guess, yun ang natural sa amin, that we can still have fun without thinking of the limitations and restrictions. Basta, pareho lang kaming nag-e-enjoy.”

GOOD REVIEWS. Nakikilala na rin bilang mahusay na aktres si Nikki. Impressive ang performance niya sa Nagsimula sa Puso na nagwakas na sa ere kamakailan. Naitanong tuloy sa kanya kung open na siya sa mga kissing scenes kung maganda naman ang at challenging ang role.

“I am more of a singer and a host than an actress,” sagot ni Nikki. “Ngayon ko pa lang nasusubukan yung acting. Kung pupuwedeng huwag na lang gawin, e di huwag na lang gawin. I’d rather not.

nikki_gil“Hindi naman yata bagay sa image ko. Ganito na ang pagkakakilala ng mga tao sa akin, e. Maski yung pagpu-pose sa FHM or sexy magazine, maski ako ang tanungin ninyo, hindi talaga ako kumportable. All the more na hindi ko gagawin [yung kissing scene], kasi nagsalita rin si Billy na ayaw niya,” natatawang patuloy ni Nikki.

Pero, may nagbanggit na nakapagpa-sexy na daw siya sa isang fashion magazine, bagay na kinontra naman ng singer-host.

Aniya, “Kung ang pictorial ay nasa swimming pool o sa beach, bakit hindi magsu-swimsuit. Depende kasi ‘yan sa context. Mahirap yung pictorial na nagpapa-sexy lang. Hindi naman ako nagpupunta sa beach na naka-long sleeves.”

Leave a comment!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.