Home » Showbiz And Icons

Annabelle Rama says son Richard Gutierrez was almost speechless upon hearing DOJ dismissal of his case

Submitted by on March 18, 2010 – 1:00 amNo Comment
Share

Annabelle Rama and son Richard GutierrezSi Annabelle Rama mismo ang nagbalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa desisyon ng Department of Justice (DOJ) na ibasura ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide na isinampa ni Lorayne Pardo laban sa kanyang anak na si Richard Gutierrez.

Nalaman ng PEP ang balita nang dumating kaninang hapon, March 17, si Annabelle sa presscon ng Nokia para kay Ruffa Gutierrez sa Garden Ballroom ng Edsa Shangri-la Hotel.

Ayon kay Annabelle, ang legal counsel ni Richard ang nagparating sa kanya ng balita.

Tuwang-tuwa si Annabelle sa naging desisyon ng DOJ at halos hindi raw nakapagsalita si Richard nang tawagan niya sa telepono.

Mababa ang boses ni Annabelle nang sabihin nito na nagpapasalamat siya sa Diyos dahil isa-isa nang nasasagot ang kanyang mga dasal—ang pagkakasundo ng PEP at ng kanyang pamilya, ang pagkakaloob ng korte kay Ruffa ng sole custody ng dalawang anak nito, at ang pag-dismiss ng DOJ sa kaso ni Lorayne laban kay Richard.

Mismong si DOJ Secretary Agnes Devanadera ang pumirma sa five-page resolution na nagpapawalang-sala kay Richard.

Leave a comment!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.