Derek Ramsay on settling down with girlfriend Angelica Panganiban: “It’s definitely looking like we’re going down that road.”
Sa Swatch Safari event kahapon, April 8, sa Swatch store SM Megamall, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Derek Ramsay. Ikinuwento ng binatang Fil-Brit na nag-cruise pala sila ng girlfriend niyang si Angelica Panganiban noong Holy Week.
“Wala naman kasing trabaho, and we really needed a break from everything, so we went to a cruise from Malacca to KL [Kuala Lumpur, Malaysia],” ani Derek.
Naroon sa Swatch event si Derek para kay Angelica na bukod sa pagiging endorser ng Swatch ay binigyan pa ng special award ng watch brand para sa pagiging mala-tigreng determinasyon daw nitong magtagumpay sa field na kinalalagyan at sa pagha-handle ng personal na buhay at relasyon kay Derek.
Tinanong tuloy ng PEP ang model turned actor kung si Angelica nga ba talaga ang nagdadala ng relasyon nila.
“Well, I guess it’s the both of us. We bring the best out of each other. A relationship will never work if it’s one person dictating. So it has to be fair, it has to be equal. So I guess that’s what’s great about me and Angel. We have a balanced relationship,” sagot ni Derek.
Dahil kilalang-kilala na nga nila ang isa’t isa, hindi na ba malayong dalhin na nila sa mas mataas na level ang kanilang relasyon? May plano na ba para sa paglagay sa tahimik ang dalawa?
“You know, of course, we look forward to that. But right now, we’re enjoying our time. The relationship is going great. And, who knows… But it’s definitely looking like we’re going down that road,” pahayag ng boyfriend ni Angelica na lead star ng TV soap na Rubi ng ABS-CBN.
May dapat bang abangan na proyekto ang fans nina Angelica at Derek?
“I wish… I hope. But nothing yet. Nothing’s concrete, but I definitely want to work with her again.”
Nagkasama sa Metro Manila Film Festival movie na I Love You, Goodbye last year sina Angelica at Derek.
Nalaman din ng PEP mula kay Derek na papuntang Africa ang magkasintahan sa June for a Safari trip.










